^

Probinsiya

Bangka binangga ng patrol vessel: 2 todas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bangka binangga ng patrol vessel: 2 todas!
Ang mga biktima ay nakilala lamang sa mga alyas na “Ag-ag” at “­Bodon”; pawang residente ng Purok 5, Brgy. Malingin, Bien Unido.
STAR/ File

Dahil sa iligal na pangingisda

MANILA, Philippines — Dalawang mangi­ngisda ang nasawi ­matapos na sadyang banggain umano ang kanilang bangkang ­pangisda ng mga nagpakilalang ope­ratiba ng Bantay Dagat na naagresponde sa napaulat na illegal fishing sa karagatan ng Bien Unido, Bohol nitong Biyernes.

Ang mga biktima ay nakilala lamang sa mga alyas na “Ag-ag” at “­Bodon”; pawang residente ng Purok 5, Brgy. Malingin, Bien Unido.

Sa report ng Bien Unido Municipal Police, habang nagsasagawa ng umano’y illegal na pangingisda ang dalawa sa karagatang sakop ng Brgy. Malingin nang magresponde ang mga tauhan ng Bantay Dagat sa nasabing lugar. Naaktuhan umano nila ang dalawa habang ilegal na nangingsida kung kaya binangga ng patrol vessel ang kanilang bangka nang magtangka umano silang tumakas.

Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa tumilapon sa dagat ang dalawang mangingisda na nagtamo ng matinding sugat sa insidente.

Si Ag-ag ay naisugod pa sa pagamutan pero idineklara nang dead-on-arrival habang si Bodon na unang napaulat na nawawala sa nasabing banggaan ay inireport na nitong Sabado ng umaga ng Philippine Coast Guard-Bohol na narekober na ang bangkay sa karagatan.

Agad kinuwestiyon ng pamilya ng mga biktima ang pagpapatupad ng maritime laws sa lugar na nagsanhi upang masawi ang kanilang mga mahal sa buhay at kung paano ang nararapat na protocol sa pag-aresto sa mga masasangkot sa illegal fishing.

BIEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with