Unity walk, interfaith prayer isinagawa sa Bulacan
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Para sa layuning makamit ang makatotohanan at maayos na eleksyon sa May 12, 2025 sa lalawigan ng Bulacan, isinagawa ang Unity Walk, Interfaith Prayer at Covenant Signing na sinimulan ng alas-7 ng umaga kahapon sa dating City Hall ng Malolos, patungo sa makasaysayang Barasoain Church.
Ang programa ay pinangunahan nina reelectionist Gobernador Daniel Fernando, dating Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at Salvador “Bogs” Violago. Sumama rin sina reelectionist Vice Governor Alex Castro, kumakandidato sa pangka-bise gobernador na si Elmer Paguio, mga kandidato sa pagka-congressman at Board Member.
Dinaluhan din ito ng iba pang mga kandidato at kinatawan ng Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), DepEd, Barangay officials at mga opisyal ng lokal na pamahalaan. Dumalo rin ang iba pang mga stakeholders na may layuning mapanatili ang integridad at kaayusan sa eleksyon. Layon ng aktibidad na tiyakin ang pakikiisa ng mga kandidato para sa isang malinis, ligtas, payapa, at maayos na halalan.
- Latest