^

Probinsiya

2 lider ng NPA todas sa engkuwentro!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 lider ng NPA todas sa engkuwentro!
Kinilala ang mga napatay na rebelde na sina Nonoy Ponteras at isang alyas Ka Kim; pawang mga lider ng nabuwag na Northern Negros Front ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at Siquijor ng NPA Movement sa nasabing mga lugar.
Interaksyon / File

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng mga sundalo kasunod ng pagkakapaslang sa dalawang lider ng mga teroristang New People’s Army (NPA) sa engkuwentro sa Brgy. Caduhaan, Cadiz City, Negros Occidental ntong Sabado.

Kinilala ang mga napatay na rebelde na sina Nonoy Ponteras at isang alyas Ka Kim; pawang mga lider ng nabuwag na Northern Negros Front ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at Siquijor ng NPA Movement sa nasabing mga lugar.

Sinabi ni Col. Erwin Rommel Lamzon, Public Affairs Office Chief ng Army’s 3rd Infantry Division, dakong ala-1:51 ng madaling araw ng makasagupa ng tropa ng Army’s 79th Infantry Battalion ang grupo nina Ponteras at Ka KIM sa Hacienda Paraiso, Brgy. Caduhaan, Cadiz City.

Sa kasagsagan ng bakbakan, sinabi ng opisyal na magkakasunod na tumimbuwang sina Ponteras at alyas Ka Kim na inabandona ng mga nagsitakas nilang mga tauhan.

Ayon kay Lamzon, nagsasagawa ng Focused Military Operations (FMO) ang kanilang tropa matapos naman ang bakbakan noong Pebrero 13 sa nasabi ring lugar kung saan nakasagupa ng mga sundalo ang tinatayang mahigit sa pitong rebelde na ikinasawi ng dalawa sa mga kalaban habang ang iba pa ay sugatang tumakas.

Ang nasabing grupo ay sangkot umano sa paghahasik ng terorismo tulad ng pangingikil ng revolutionary tax, at pananabotahe ng mga imprastraktura ng gobyerno gayundin ng negosyo ng mga negos­yante sa ­Negros Island.

ERWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with