^

Probinsiya

Delivery rider inambus sa tapat ng iskul, patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

DOLORES, Quezon, Philippines —  Iniwang patay ang isang delivery rider matapos na tambangan ng hindi nakilalang salarin sa harapan ng isang paaralan sa Barangay Kinabukasan ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na natagpuan dakong alas-4:30 ng hapon na naliligo sa sariling dugo at may tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa leeg ay nakilalang si alyas “Salvador”, 39, may-asawa at residente ng Barangay Sta Lucia, Dolores, Quezon.

Base sa salaysay ng mga saksi sa mga imbestigador, bandang alas-4:00 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang isang Honda wave motorcycle at binabagtas ang kalye patungo sa kaniyang bahay nang barilin ng isang lalaki na nakatambay sa harapan ng Kinabukasan Elementary School.

Nang bumulagta ang biktima ay kaswal lamang umano na naglakad papatakas ang salarin.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito sa krimen.

SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with