^

Probinsiya

3 sasakyan nagkarambola: 8 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naospital ang walo katao sa naganap na karambola ng dump truck, e-trike at pampasaherong dyip sa Sumulong Highway sa Antipolo City, Rizal, Sabado ng umaga.

Nagdulot ng matin­ding pagbagal ng trapiko sa Sumulong Highway malapit sa Cloud 9 Resort and Hotel simula alas-7:00 ng umaga dahil sa insidente.

Sa inisyal na ulat, nakatulog umano ang dri­ver ng dyip kaya bumang­ga ito sa dumptruck at sa e-trike sa paakyat na bahagi ng nasabing lugar dahilan upang mapunta ito sa kabilang linya.

Agad namang sumaklolo ang rescue team ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City at barangay at isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan sa banggaan ng tatlong sasakyan.

SUMULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with