Nanay, 3-anyos nakatira sa tolda, tepok sa insecticide!

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang nanay at kanyang 3-anyos na anak matapos silang makitang magkapatong na patay dulot na hinihinalang insecticide sa loob ng isang tolda kung saan sila pansamantalang nakatira sa San Fernando, Cebu.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan ang ina sa loob ng isang tolda sa Barangay Balud, habang ang kanyang paslit na anak ay nakapatong sa kanyang likod.
Isinugod pa ang mag-ina sa ospital ngunit kapwa idineklarang dead-on-arrival.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang sachet ng insecticide ang nakita malapit sa tolda, kaya’t hinalang pagkalason ang sanhi ng pagkamatay ng mga biktima.
Sa kabila nito, iminungkahi sa pamilya ng mga biktima ang autopsy upang matukoy ang tunay na dahilan ng kanilang pagkamatay.
Samantala, inimbitahan ng pulisya ang dating live-in partner ng babae para sa imbestigasyon, matapos matuklasang napilitang manirahan ang mag-ina sa tolda dahil sa panggugulo ng lalaki.

DORIS FRANCHE-BORJA

- Latest