8 sasakyan inararo ng dump truck: 12 sugatan
BATANGAS, Philippines — Labindalawang katao ang sugatan matapos araruhin ng isang dump truck ang walong sasakyan sa Tuy, Batangas kahapon ng umaga.
Batay sa report ng Tuy Police, bandang alas-6:30 ng umaga ng Sabado nang mawalan umano ng preno ang dump truck sa may Palico-Nasugbu Highway sakop ng Barangay Luntal bago ito tumagilid sa harap ng isang convenience store.
Unang nasalpok nito ang isang bus na nasa gitna ng kalsada bago inararo ang isang kotse, tatlong Multi-Purlose Vehicle(MPV), dalawang motorsiklo at isang tricycle.
Sugatan ang driver ng truck at ang 11 pasahero ng bus sa insidente.
Wala namang nasaktan sa mga nakaparadang sasakyan sa harap convenience store.
Agad na isinugod sa ospital ang mga nasugatan.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente.
- Latest