^

Probinsiya

2 Russian utas sa scuba diving, 1 sinakmal pa ng pating!

Ed Amoroso, Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines —  Patay na nang matagpuan ng mga rescuers ng Philippine Coast Guard ang dalawang turistang Russian na unang iniulat na nawawala matapos na malunod habang nagsasagawa ng scuba diving sa karagatan na malapit sa Verde Island sa Batangas City nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ni Batangas Coast Guard Station Commander, Capt. Airland Lapitan ang mga biktimang sina Ilya Perigudin, 29-anyos at Maksim Melekhov, 39; kapwa Russian national.

Naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng hapon habang nag-i-scuba diving ang dalawang dayuhan kasama ang dalawa pa sa may Pulong Bato sa Verde Island.

Unang narekober ng mga rescuers ng PCG-Sub Station Isla Verde ang katawan ni Perigudin sa baybayin ng Pulong Bato sa Brgy. Agapito, Isla Verde, Batangas at mabilis na itinakbo sa St. Patrick Hospital sa Batangas City pero idineklara nang dead-on-arrival.

Ang bangkay ni Perigudin ay dinala na sa Puerto Galera at tinurnover sa isang nangangalan Vadim Boichenko, 50, isang Russian national at isang kaibigan ng pamilya ng namatay.

Kasunod nito, alas-5:30 ng hapon nang mamataan ng search and rescue team ng PCG-Batangas at mga divers ng Arkipelago Beach Resort na nagsasagawa ng hiwalay na dive, ang bangkay ni Melekhov na putol na ang kanang kamay na posibleng nilapa ng pating.

“Posibleng inatake ng pating ang isa sa mga biktima kaya naputol ang isang kamay nito,” ani Capt. Lapitan

Nauna rito, nakatanggap ang Coast Guard Isla Verde ng ulat mula kay Ely Quinto, 42, residente ng Bulalacao, Oriental Mindoro, hinggil sa mga nawawalang diver mula sa Recreational Boat “D’ Ocean Riders” noong Huwebes dakong alas-3:45 ng hapon. Ang barko ay umalis sa Puerto Galera patungong Sawang Dive Camp, Isla Verde, Batangas bilang kanilang drop-off point bago tumuloy sa Pulong Bato, Brgy. San Agapito para sa isang diving activity.

Apat na Russian national, kabilang si Ilya Pe­rigudin, ang nagsagawa ng diving activity sa Pulong Bato, Brgy. San Agapito, Isla Verde, Batangas, kasama ang kanilang dive master. Gayunman, nakaengkuwentro nila ang malalakas na alon na naghiwalay sa kanila. Ang mga kasama nilang sina Eduard at Timofie na parehong may apelyidong Perigudin, ay ligtas na nakabalik sa kanilang bangka kasama ang kanilang dive master, pero sina Ilya at Maksim ay nawala matapos lamunin ng dagat.

AIRLAND LAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with