Mahinang pagsabog naitala sa Bulkang Taal
MANILA, Philippines — Nakapagtala ng mahinang pagsabog ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas, ayon sa Philipppine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kahapon.
Sa ulat ng Phivolcs, isang minor phreatomagmatic eruption ang naitala kahapon ng alas-5:58 ng umaga na lumikha ng nasa 2,800-metrong pagluwa ng kulay abo na plume.
Nagkaroon din ang bulkan ng dalawang volcanic tremos na may apat na minuto ang haba, pagluwa ng 7,216 tonelada ng asupre at long term deflation ng Taal Caldera, Short term inflation sa general northern at southeastern flanks ng Taal Volcano Island (TVI).
Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa TVI lalo na sa may main crater at Daang Kastila fissures, pamamalagi sa Taal Lake at pagpapalipat ng anumang aircraft malapit sa bunganga ng Bulkan dahil sa banta ng pagsabog, volcanic earthquakes,minor ashfall at pagluwa ng volcanic gas.
Ang Bulkang Taal ay nananatiling nasa Alert Level 1 o may mababang level unrest.
- Latest