4 mangingisda nawala sa Bajo de Masinloc
SUBIC, Zambales, Philippines — Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang apat na mangingisda mula sa lalawigan ng Zambales na nawala sa karagatan sa layong 74 kilometers (40 nautical miles) northeast ng Panatag (Scarborough) Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Sa panayam ng Pilipino Star NGAYON kay Lorraine Reyes, isa ang kanyang pinsan na si Anthony Tadeo sa apat na nawawalang mangingisda, at ang tatlo pa ay sina Richard at Raymond Ecaldre, at Daniel Sabido; pawang residente ng Calapandayan, Subic, Zambales.
Ayon naman kay Renato Celistra, boat operator at skipper ng Fishing Boat Reincris, nasa 12 crew members ang kanilang kasamang nangisda noong Nobyembre 20 sa bahagi ng Bajo de Masinloc o Panatag Shoal.
Aabutin umano ng 24 oras ang biyahe patungo sa kanilang destinasyon para mangisda.
Nabatid na nawala umano ang apat na mangingisda nang sumakay sa maliit na bangka upang mangawil ng isda hanggang sa tuluyan na silang hindi nakabalik.
Sa pamamagitan ng radio message ay naipaabot ni Celistra sa mga otoridad na nawawala ang kanilang apat na kasamahan.
- Latest