^

Probinsiya

Mister niratrat ng tandem, nanlaban: 1 patay!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Habang nagmamaneho ng trike...

CAVITE, Philippines —Patay ang isa sa riding-in-tandem suspect matapos na buong tapang na manlaban ang isang duguang mister na kanilang pinagbabaril habang sakay ng kanyang tricycle sa bayan ng Silang, dito sa lalawigan, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na kinilalang si Angelito Alfonso, residente ng Silang, Cavite.

Patay naman ang isa sa dalawang suspek na hindi pa nakikilala ng pulisya habang nakatakas ang kasama nito.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente. Minamaneho ng biktima ang kaniyang tricycle at bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Balite 1st, patungo ng Silang town proper nang sundan siya ng dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Nang makalapit ang mga suspek sa biktima, dito na siya pinagbabaril ng lalaking angkas.

Kahit na sugatan, nagawang makatalon ang biktima sa kaniyang tricycle at nagtatakbo subalit sinundan pa rin siya ng mga suspek saka muling pinagbabaril.

Nakakuha naman ng tiyempo ang biktima at inilabas ang kaniyang baril hanggang sa gumanti ng putok sa mga suspek dahilan upang bumulagta ang isa at mabilis na tumakas ang isang kasamahan lulan ng motorsiklo.

Kahit duguan at may mga tama ng bala, nagawa pang imaneho ng biktima ang kaniyang tricycle patungo ng Velasco Hospital upang malapatan ng lunas.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with