^

Probinsiya

Mister, tinodas ng dating asawa ni misis!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister nang pagsasaksakin ng dating asawa ng kanyang “common law wife” o live-in partner sa Taytay, Rizal kamakalawa.

Naisugod pa sa Rizal Provincial System Hospital ang biktimang si alyas “Rommel Remigio” ngunit nasawi rin bunsod ng tinamong mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, nakatakas naman at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas ‘Orly.’

Sa ulat ng Taytay Municipal Police, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa tapat ng tahanan ng biktima sa Avocado St., Brgy. San Juan, Taytay.

Habang nakaupo lamang umano ang biktima sa loob ng kanyang tricycle na nakaparada sa tapat ng kanilang tahanan nang biglang dumating ang suspek at agad kinompronta ang biktima.

Nauwi umano ang insidente sa mainitang argumento hanggang sa magbunot ang suspek ng patalim at kaagad na pinagsasaksak ang nabiglang biktima bago mabilis na tumakas.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga doktor. 

Sinisilip ng awtoridad na posibleng pagseselos ang ugat ng krimen.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with