^

Probinsiya

Tumangay ng P55 milyon: Real estate agent, partner timbog sa Cavite

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Himas rehas na ngayon ang live-in partners matapos arestuhin ng mga tauhan ng Alfonso Police Station sa Cavite dahil sa pagtangay umano ng P55 milyon.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Pacholo Castillo, 50, at Analie Vidallon, kapwa residente ng Barangay Poblacion 5 sa Alfonso.

Sinabi ni Police Maj. Edward Cantano, kabilang ang dalawa sa Top 10 most wanted persons sa ­Cavite dahil sa kasong 18 counts of falsification of public document by a private individual.

Isinilbi sa dalawa ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Gonzalo Mapili Jr., at may petsang Setyembre 17, ngayong taon.

Nabatid na P55 milyon ang sinasabing huling natangay ng dalawa mula sa isang negosyante para sa isang lupain sa Alfonso.

Ang modus ng dalawa ay kukuhanin na ang bayad mula sa biktima bago sila magpapakita ng mga pekeng dokumento mula sa bangko, pekeng special power of attorney (SPA), pekeng titulo ng lupa at pekeng electronic certificte authorizing registration mula sa Bureau of Internal Revenue. Nagrekomenda ang korte ng P1.2 milyong piyansa para sa kasong kinakaharap nina Castillo at Vidallon.

HULE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with