^

Probinsiya

Empleyada sakay ng trike niratrat, patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Que­zon, Philippines — Patay agad ang isang empleyada nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang lalaki habang nakasakay sa isang pampasaherong tricycle kahapon ng umaga sa Maharlika Highway sa Barangay Malabanban Norte ng bayang ito.

Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at ibat ibang parte ng katawan ay kinilalang si Donabel Maca­tangay, 41, may asawa at residente ng Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon.

Ayon kay PLt. Col. Alexis Nava, chief of police ng nasabing bayan, bandang alas-8:10 ng umaga ay sakay ng tricycle ang biktima na minamaneho ni Renier Tibayan patungo sa direksyon ng Sariaya, Quezon.

Nang bahagya umanong huminto ang tricycle, lumapit sa sidecar ang isang hindi kilalang lalaki at malapitang pinagbabaril ang babaeng sakay saka mabilis na tumakas ang suspek.

Inatasan na ni Lt. Col. Nava ang kanyang mga imbestigador na mangalap ng kopya ng CCTV sa crime site upang makilala ang salarin at matukoy ang motibo nito sa pagpas­lang sa biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with