^

Probinsiya

Misis binoga ni mister, todas!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Misis binoga ni mister, todas!
Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay ang isang misis nang pagbabarilin ng kanyang mister sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salitran 1, lungsod ng Dasmariñas.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima, narinig umano niya na nagtatalo ang kaniyang ina at ama hanggang sa makarinig umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Agad na pinuntahan ng anak ang kuwarto ng kaniyang ina at dito na tumambad nakita ang nakabulagtang nanay na kinilalang si Ma­rianne Diana, nasa hustong gulang na duguan at nakahandusay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na “Kenny” na kasalukuyan tinutugis na ng pulisya.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with