2,588 titulo ng lupa ipinamahagi ni Pangulong Marcos at DAR sa agrarian reform beneficiaries
MANILA, Philippines — Pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado M. Estrella III ang kabuuang 2,588 titulo ng lupa, na may sukat na, 2,643.52 ektarya para sa 1,932 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng Panay at Guimaras .
Sa 2,588 titulo ng lupa, 2,337 ay electronic titles (e-titles) na inisyu sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling Project (Project SPLIT) at 251 naman ay certificates of landownership award (CLOAs) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), na sumasakop sa lupaing agrikultural sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo.
Sa ilalim ng Project SPLIT, ang 2,390.41 ektarya ay ipinagkaloob sa 1,725 ARBs na sumasakop sa 2,588 e-titles. Habang ang mga bagong lupain, na napatitulohan ng 251 CLOA, ay may kabuuang sukat na 253.11 ektarya, na ipinamahagi sa 207 ARBs.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga ipinagkaloob na titulo ng lupa ay magbibigay ng kalayaan sa mga magsasaka, kalayaan sa kanilang pagkakautang, kalayaan sa magandang kinabukasan para sa kanilang mga pamilya at kalayaan sa kanilang matagumpay na pamumuhay.
- Latest