^

Probinsiya

Van bumaliktad: 13-anyos patay, 10 kaklase sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Van bumaliktad: 13-anyos patay, 10 kaklase sugatan
Ang bumaliktad na van na ikinasawi ng ­13-anyos na estudyante at ikinasugat ng 10 pang kaklase sa aksidenteng naganap sa Brgy. Macambol, Mati City, Davao Oriental nitong Lunes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad ang isang estudyanteng menor-de-edad at naisugod sa pagamutan ang 10 niyang kapwa mag-aaral ng bumaliktad ang kanilang sinasakyang van sa Barangay Macambol sa Mati City nitong umaga ng Lunes.

Sa ulat ng Mati City Police Office nitong Miyerkules, patungo sa kanilang paaralan ang mga biktima sakay ng isang pampasaherong van nang ito’y bumaliktad, sanhi diumano ng mechanical trouble, sa isang bahagi ng highway sa Barangay Macambol.

Kinumpirma ng pulisya ang pagkasawi ng trese anyos na si Chloe Virtudez sa naturang aksidente.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ng mga barangay officials ang iba pang mga estudyanteng mga menor-de-edad na nagtamo ng sugat at mga pasa sa katawan sanhi ng aksidente, ayon sa mga opisyal ng Mati City police.

Agad namang nagpaabot ng inisyal na ayuda ang Mati City local government unit sa pamilya ng nasawing estudyante at sa mga kasama nitong nasugatan.

vuukle comment

MATI CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with