^

Probinsiya

Barge sumadsad sa pantalan sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Barge sumadsad sa pantalan sa Cavite
Nasira ang isang bahagi ng konkretong daan sa pantalan ng Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite nang sumadsad ang isang malaking barge dahil sa malalakas na hampas ng alon dulot ng bagyong Enteng kahapon.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Dahil sa sobrang lakas ng alon sanhi ng pananalasa ng bagyong Enteng, isang malaking barge ang sumadsad sa pantalan ng Brgy. Wawa 2 Rosario, dito sa lalawigan kahapon.

Nangangamba ang mga residente ng nasabing lugar hinggil sa malapit na ito sa kanilang mga kabahayan at sa laki nito ay siguradong magigiba ang kanilang mga bahay kapag tuluy-tuloy pang hampasin ng dambuhalang mga alon.

Habang sinusulat ang ulat na ito, pinagtutulu­ngan nang hilahin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang sumadsad na barko na sinasabing pahirapan dahil sa lakas ng mga alon ng karagatan.

Ang nasabing mala­king barge ay isang flat-bottomed boat na gina­gamit para sa transpor­ting goods o panghakot ng mga buhangin at iba pang kagamitan sa dagat.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with