^

Probinsiya

18 bayan, lungsod sa Negros Occidental binaha, 42,000 katao apektado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
18 bayan, lungsod sa Negros Occidental binaha, 42,000 katao apektado
Screengrab from Google Maps shows the province of Negros Occidental.
Google Maps

MANILA, Philippines — Labingwalong bayan at lungsod ang dumanas ng malawakang pagbaha dulot ng southwest monsoon o habagat habang aabot naman sa 42,000 katao ang naapektuhan sa  lalawigan ng Negros Occidental, ayon sa ulat nitong Sabado.

Sa report ng Provincial Disaster Management Team (PDMT) ng Negros Occidental , nasa 13,115 pamilya o kabuuang 42,000 indibidwal ang naapektuhan ng mga pagbaha. Sa nasabing bilang 1,321 pamilya o katumbas na 4,340 katao ang inilikas sa mga eva­cuation centers.

Naitala naman sa 197 pamilya o 638 katao ang pansamantalang nanuluyan sa kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan sa ligtas na lugar.

Ang masamang lagay ng panahon na nagdulot ng matinding pagbaha bagaman lumisan na si Tropical Depression Ferdie  na nakaapekto sa mala­king bahagi ng bansa ay patuloy naman ang mga pag-ulan sanhi ng southwest monsoon o habagat.

Base sa report kabilang sa matinding naapektuhan ng rumagasang mga pagbaha ay ang mga bayan ng Pulupandan, San Enrique, Valladolid, Pontevedra, La Castellana, Isabela, Moises Padilla, Hinigaran, Binalbagan, Ilog, Cauayan, Candoni at Hinobaan.

Gayundin ang mga lungsod ng La Carlota, Himamaylan, Kabankalan, Bago at Sipalay; pawang sa nasabing lalawigan.

Sa Bago City hindi madaanan ng lahat ng uri ng behikulo bunga ng mataas na tubig baha ang Ilijan Bridge sa Brgy. Ilijan gayundin ang Ma-ao Riverside Bridge na umapaw habang apektado rin ng pagbaha ang Sibod Bridge sa Brgy. Sampinit at bahagi ng kalsada ng Brgys. Tabunan at Sampinit .

Ang Bago City na kanugnog ng Bacolod City ang itinuturing na ‘gateway ‘ sa katimugang bahagi ng lalawigan.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng lokal na pamahalaann sa mga naapektuhang pamilya.

BINAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with