^

Probinsiya

Lapu-Lapu City Police chief sinibak sa POGO hub

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lapu-Lapu City Police chief sinibak sa POGO hub
Nabatid na limang buwan lamang nagsilbi sa puwesto si Col. Ali Baron, bilang hepe ng LLCPO at pinalitan ni Lt. Col. Conrado Manatad ang magsisilbing LLCPO officer-in-charge.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang hepe ng Lapu Lapu City Police Office (LLCPO) kasunod ng pagkakadiskubre sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa loob ng isang hotel sa Barangay Agus, Lapu-Lapu City.

Nabatid na  limang buwan lamang nagsilbi sa puwesto si Col. Ali Baron,  bilang hepe ng  LLCPO at pinalitan ni Lt. Col. Conrado Manatad ang magsisilbing LLCPO officer-in-charge.

Ayon kay  Police Lt. Col. Christian Torres, information officer ng LLCPO, tanggal sa puwesto sina  Col. Marlon Santos, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group-Central Visayas, at Col. Gervacio Balmaceda, hepe ng Regional Intelligence Division ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7).

Bago ito, dalawang pulis din ang sinibak– Major  Dindo Alaras, pinuno ng LLCPO Intelligence Unit at Station 4 chief Major Judith Besas.

Nagmula ang utos na tanggalin sila sa national headquarters ng Philippine National Police (PNP), base kay Lt. Col. Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ni PRO-7 chief Brig. Gen. Anthony Aberin.

Inalis sila sa pwesto habang gumugulong ang imbestigasyon upang matukoy kung may pananagutan sila sa operasyon ng POGO hub.

Isinagawa ang raid noong Agosto 31 ng National Bureau of Investigation, Presidential Anti-Organized Crime Commission, Department of Social Welfare and Development, Inter-Agency Council Against Trafficking, at ng Bureau of Immigration.

Naaresto ang grupo ng mga dayuhan kabilang ang Chinese, Indonesians, at Burmese sa nasabing operasyon.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->