^

Probinsiya

P13.6 milyong droga nasabat sa pantalan sa Sulu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P13.6 milyong droga nasabat sa pantalan sa Sulu
Inihahanda na ng PDEA ang kaso laban kina Lala Jamih Halisan alyas “Ben”, 28-anyos, at Alwinir Kabran, 20-anyos.
Philstar.com/John Unson, file

MANILA, Philippines — Umaabot sa P13.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na maaresto ang dalawang hinihinalang “tulak” sa isinagawang buy-bust operation nitong Sabado sa isang pantalan sa Sulu.

Inihahanda na ng PDEA ang kaso laban kina Lala Jamih Halisan alyas “Ben”, 28-anyos, at Alwinir Kabran, 20-anyos.

Ayon kay PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) director Gil Cesario Castro, ikinasa ang seaport interdiction operation nitong Agosto 31 sa Barangay Tandu Bato, bayan ng Luuk ng nasabing lalawigan.

Isang impormasyon ang kanilang natanggap at agad na bineripika hanggang sa isagawa ang buy-bust.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 21 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang kilo at mga identification cards.

Nasa kustodiya na ng Indanan Municipal Police Station ang mga suspek na nakatakdang kasuhan dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with