^

Probinsiya

Daan-daang pasahero stranded sa Kabikolan, Quezon Province

Tony Sandoval, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Daan-daang katao ang stranded habang dalawang katao kabilang ang isang babaeng sanggol ang patay sa pananalasa ng bagyong Enteng sa Kabikolan at sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat, isang 8-buwang sanggol na babae ang nalunod sa tubig-baha nang aksidenteng mahulog sa duyan habang mahimbing na natutulog ang mga magulang sa Brgy. Calauag, habang nangisay naman ang isang landlord nang mapahawak sa gate ng kanyang pinauupahang boarding house nang dumaloy ang malakas na boltahe ng kuryente sa katawan nito mula sa nag-i-spark na kable at tuluyang nalunod sa baha sa Naga City, Camarines Sur.

Ayon naman kay Gremil Naz, tagapagsalita ng Office of Civil Defense-Bicol, pumalo na sa 978 ang mga stranded na pasahero kahapon sa iba’t ibang pantalan sa Kabikolan. Pinakamaraming may stranded ay sa Matnog Port na may 295 at Pilar Port sa Sorsogon na may 284; habang sa Pio Duran Port ay 138 at Tabaco Port kapwa sa Albay ay 31 pasahero.

Nasa 1,379 pamilya o 4,155 katao ang naapektuhan ng bagyo. Sa natu­rang bilang, 841 pamilya o 3,455 indibiduwal ang inilikas dahil sa baha sa iba’t ibang lugar sa rehiyon na karamihan ay dinala sa mga evacuation centers. Lahat ng apektadong pamilya ay binigyan ng ayudang makakain ng DSWD regional office.

Samantala sa Que­zon, nasa 25 passengers, 10 trucks at tatlong private vehicles ang stranded sa Lucena port dahil sa temporary voyage suspension na inilabas ng Coast Guard Southern Quezon kahapon ng umaga, dulot ng bagyong Enteng.

Ayon kay PPA Media Relations Officer Kevin Largado, 15 sa mga pasaherong stranded ay papuntang Marinduque, 9 ang pa-Romblon at isa ang patungong Masbate.

Pinagbabawalan ding manglayag ang mga sasakyang pandagat sa area of responsibility ng Coast Guard Southern Quezon. Ang buong Quezon ay nakaranas ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 at nasa kategorya ng orange warning level.

vuukle comment

DEAD

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with