^

Probinsiya

Mag-asawang NPA officers sumurender

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Boluntaryong sumuko sa tropa ng pamahalaan ang mag-asawang opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Bato, Sagay City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng 3rd Infantry Division (ID) ang mga nagsisuko ay isang 31-anyos na Squad Leader at 27-anyos nitong misis na Finance a Logistic Officer ng nabuwag na Northern Negros Front ng NPA rebels.

Pansamantalang hindi tinukoy ng military ang pagkakakilanlan ng mag-asawa para sa kaligtasan ng kanilang pamilya habang patuloy na kinukumbinse ang kanilang nalalabi pang kasamahan na magsibaba na sa kapatagan at sumuko sa batas.

Nabatid na ang mag-asawa na may dalawang anak na 2 at 5-anyos ay mahigit isang dekada na ring kasapi ng kilusang komunista.

Sa inisyal na interogasyon, sinabi ng mag-asawa na nagdesisyon silang sumuko upang magbagumbuhay sa piling ng kanilang dalawang anak.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with