^

Probinsiya

Bahay sa Imus ni-raid: 19 timbog sa ‘cybercrime’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado ang 19 katao kabilang ang 9 na kababaihan sa ikinasang search warrant operation ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa Cybercrime law, kamakalawa ng hapon sa loob ng isang subdivision ng Brgy. Bucandala 3 sa Imus City.

Sinampahan ng mga kasong paglabag sa R.A. 10175 o “Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga naarestong suspek.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:23 ng hapon nang salakayin ng Cybercrime Unit at mga  operatiba ng CFCU sa panguguna ni PLt. Irish Nikko Picache, DFU, Cavite-PCRT at Imus Police sa pangunguna ni PCol. Louie Dionglay, ang unit na inookupa ng mga suspek sa Block 8 Lot 2 Japan Street, Hamilton Homes, Bucandala 3, Imus City.

Bitbit ang Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) No. 019-24 para sa paglabag sa R.A. 10175 o mas kilalang “Cybercrime Prevention Act of 2012”, pinasok ng raiding team ang bahay sa naturang lugar at naabutan nila roon ang mga suspek na aktwal umanong nagsasagawa ng mga illegal aktibidades gamit ang mga computers.

Nakumpiska rin sa operasyon ang may 68 piraso ng mga mobile devices, 2-laptop, 

Iba’t ibang financial documents ng mga bangko, SIM cards at ledgers.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with