^

Probinsiya

Bulkang Taal nagbuga ng higit 3K tonelada ng asupre

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagluwa ang Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas ng may 3,334 tonelada ng asupre sa nakalipas na 24-oras na monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, kinakitaan ang bulkan ng upwelling ng mainit na volcanic fluids sa lawa na may 1,500 metrong taas na napadpad sa kanluran-timog-kanluran.

Kinakitaan din ang bulkan ng pag-impis ng kalakhang Taal Caldera na may panandaliang pamamaga ng gawing hilaga at timog silangang bahagi ng Taal Volcano Island.

Bunsod nito, patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island (TVI) lalo na sa may  Main Crater at Daang Kastila fissures gayundin bawal ang  pamamalagi sa lawa ng Taal at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

Ang Mt. Taal ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 status o ibig sabihin ay may nagaganap na abnormal na aktibidad sa loob ng bulkan.

vuukle comment

PHIVOLCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with