^

Probinsiya

Ambush: 2 utas, nene nasapol ng ligaw na bala

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Ambush: 2 utas, nene nasapol ng ligaw na bala
Masusing sinisiyasat ng SOCO team ang ambush site kung saan dalawa ang patay kabilang ang isang bystander habang isang batang babae pa ang sugatan sa ligaw na bala nitong Huwebes sa Cotabato City.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Dalawa ang patay habang sugatan ang isang menor-de-edad na babae nang mahagip ng ligaw na bala sa isang ambush sa mataong lugar dito sa lungsod nitong hapon ng Huwebes.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, agad na namatay ang target ng naturang ambush ang biktimang si Jonas Tampla, sanhi ng anim na mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sakay si Tampla ng kanyang motorsiklo nang tambangan ng mga armadong nakaabang sa gilid ng isang bahagi ng Manday Street sa Tanghal Subdivision sa Barangay Mother Bagua.

Isang inosenteng lalaking si Raynon Esgan na nasa malapit sa pinangyarihan ng pananambang ang minalas na tamaan ng ligaw na bala at pumanaw sa Cotabato Regional Medical Center kung saan siya isinugod ng mga emergency responders upang malapatan sana ng lunas.

May tama rin ng bala, ngunit nasa ligtas nang ka­lagayan, ang isang menor-de-edad na babae na nasapol din ng ligaw na bala, sanhi ng walang habas na pamamaril ng mga tumambang kay Tampla.

Matapos na masigurong patay si Tampla, agad na tumakas ang mga armadong suspek gamit ang mga motorsiklo.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with