^

Probinsiya

Kagawad binoga sa ulo sa tapat ng Barangay Hall

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kagawad binoga sa ulo sa tapat ng Barangay Hall
Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Emilio, 54-anyos, kagawad at residente ng Brgy. Amaya 3, Tanza, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Kritikal sa pagamutan ang isang Brgy. Councilor makaraan itong barilin sa ulo habang nakaupo sa tapat mismo ng kanilang Barangay Hall, kamaka­lawa ng gabi sa Brgy. Amaya Tanza Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si alyas Emilio, 54-anyos, kagawad at residente ng Brgy. Amaya 3, Tanza, Cavite.

Nakilala naman ang suspek na si alyas “Andy”, nasa hustong gulang, resi­dente ng Brgy. Amaya 3, Tanza, kasalukuyan ng pinag­hahanap ng pulisya.

Batay sa imbestigasyon, alas-11 ng gabi nang maganap ang insidente, nakaupo ang biktima sa tapat ng kanilang Brgy. Hall nang biglang dumating ang suspek sakay ng tricycle.

Agad na bumaba ang suspek at binaril nang malapitan sa ulo ang biktima na ngayo’y nakikipag-agaw buhay sa ospital.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, lumalabas na nakaalitan ng suspek ang pamangkin ng biktima.

vuukle comment

CAVITE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with