^

Probinsiya

Taga-Laguna wagi ng P9 milyon sa lotto

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Philip­pine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang taga-Laguna ang pinalad na magwagi ng P9 milyong jackpot prize sa Lotto 6/42 na binola kamakalawa ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, ang lucky ticket na may winning numbers na 06-24-25-28-02-16 ay nabili ng lucky winner sa Lucky Circle Corp., Calamba, Laguna.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ng PCSO ang lucky winner na maaari niyang makubra ang napanalunang prem­yo sa PCSO main office sa Mandaluyong City.

Kinakailangan lamang anila ng lucky winner na iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang identification cards.

Nagpaalala rin ang PCSO na ang lahat ng lotto winnings na lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Hinihikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na suportahan ang kanilang gaming products upang mas marami pa silang matulungang mamamayan. 

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with