^

Probinsiya

Ginang sinaksak ng akyat bahay, patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

BURDEOS, Quezon, Philippines — Nagawa pang makatawag sa kanyang anak sa cellphone ang isang 38-anyos na ginang bago ito tuluyang malagutan ng hininga nang pagsaksakin ng isang lalaking nanloob sa kanilang bahay sa Sitio May Balite, Barangay Poblacion sa bayang ito, kamakalawa ng mada­ling araw.

Nagtamo ng mga malalalim na sugat sa katawan na agad niyang ikinamatay ang biktimang si Liezel Quizada, may live in partner.

Ayon sa pulisya, ala-1:55 ng madaling araw ay tumawag sa cellphone ng anak na si Criztel ang biktima at pinababalik ito sa kanilang bahay dahil nasa loob umano ng kanilang bahay ang isang lala­king tinukoy nito sa pa­ngalang alias Hudas.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap sa cellphone ay narinig ni Criztel na dumaraing ng “aray” ang ina kung kaya’t nagkukumahog itong umuwi at nadatnan niya itong walang buhay at naliligo sa sariling dugo.

Tinutugis na ngayon ng mga otoridad si alias Hudas upang papanagutin sa krimen.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with