^

Probinsiya

Dancer nahulog sa entablado, dedo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang dancer ang namatay matapos mahulog sa ginaganap na beauty contest nitong Miyerkules ng gabi sa Cebu City.

Ayon kay Inayawan Brgy. Chairman Kirk Repollo, may production number ang mga kandidata ng “Enchan­tress of Inayawan 2024” nang mangyari ang insidente.

Habang ginagawa aniya ang production number ng mga kandidata, isa sa dancer na babae ang tila hinimatay habang bumababa ng entablado.

Dito na umano nag-slide hanggang nagtuluy-tuloy na nahulog sa hagdan.

Agad namang dinala sa ospital ang biktima, subalit makalipas ang ilang oras binawian na ito ng buhay.

Inaalam pa ng mga opisyal ng barangay kung may sakit ang babaeng dancer bago sumayaw sa enta­blado.

Ayon naman sa Ina­yawan police, walang foul play sa insidente.

Nangako rin ang barangay na tutulong sa mga gastusin sa namatay na biktima.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with