^

PSN Palaro

Caloy tumanggap ng P10 milyon kay MVP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Caloy tumanggap ng P10 milyon kay MVP
Ibinida ni Paris Olympic Games double gold meda­list Carlos Yulo kay MVPSF chairman Manny V. Pangi­linan ang kanyang gold medal sa meet and greet ng national gymnast sa PLDT building kahapon sa Makati City.
Joey Villar

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang pagtanggap ni 2024 Paris Olympic Games double gold medalist  Carlos ‘Ca­loy’ Yulo ng cash bonus.

Kahapon ay binigyan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) si Yulo ng P10 million bonus sa meet and greet ng national gymnast sa PLDT building sa Makati City.

Sinabi ni Pangilinan na nararapat lamang na bigyan ng papuri ang mga kagaya ng 24-anyos na si Yulo pati ang iba pang national athletes na nagbigay ng karangalan sa Pinas sa nakaraang Paris Olympics.

“Since 2016, nandoon kami with Caloy (Yulo) and also with other athletes. But at the end of the day, sila gumawa, hindi kami. Credit belongs to them,” wika ni Pangilinan sa pagsuporta ng MVPSF sa gymnastics pati na sa 19 pang national sports associations.

Lubos ang pasasalamat ni Yulo sa tulong ng tinatawag na ‘MVP’ na inaasahan niyang susuportahan pa rin siya para sa 2028 Olympics sa Los Angeles, USA.

“Nagpapasalamat po ako kay sir MVP at sa MVPSF na naniwala sa amin from the start,” sabi ng tubong Leveriza, Malate. “Sana po patuloy ninyo po kaming suportahan papuntang LA Olympics.”

Kung pagsasama-samahin ang mga natanggap na cash bonuses, isang P32 million three-bedroom condominium unit sa McKinley Hill mula sa Megaworld, house and lot sa Tagaytay City mula kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’  Tolentino at mga product endorsements ay aabot sa P100 milyon ang natanggap ni Yulo.

Solidong suporta rin ang ibibigay ng MVPSF sa 16-anyos na utol ni Yulo na si Karl Eldrew para sa posibilidad na sabay silang lumaban sa 2028 LA Olympics.

Binigyan ni Pangilinan ng P5 milyon ang coaching team ni Yulo na pinamumunuan ni Aldrin Castañeda.

Samantala, nagbigay si Pangilinan ng tig-P2 milyon kina national boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas na sumuntok ng tig-isang bronze sa Paris Games.

May P1 milyon naman sina national boxing coaches Reynaldo Galido at Mitchel Martinez.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with