^

Probinsiya

2 obrero tepok sa underground fuel tank!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Dalawang manggagawa ang patay habang isa pang ksamahan ang nasa malubhang kalagayan sanhi ng suffocation at posibleng gas poisoning sa loob ng isang underground petroleum storage tank sa Barangay Curuan, Zamboanga City na kanila sanang lilinisin bago tatakpan ng semento nitong umaga ng Miyerkules.

Kinumpirma ng Zamboanga City local government unit at ng mga opisyal ng Police Regional Office-9, ang pagkasawi nina Joel Dungog, 34-anyos, at ang 30-anyos na si Jomar Cagit sa naturang insidente.

Kasalukuyan namang ginagamot sa ospital ang isa pang biktima na si Jonas Calderon, 23-anyos.

Sa ulat, unang nahulog sa loob ng fuel tank, matapos buksan ang isang masikip na entrance contraption ng fuel storage ng isang gas station sa Barangay Curuan ang manggagawang si Calderon. Agad namang binabaan sa loob nito nina Dungog at Cagit para tulungan si Calderon saka inalalayang makaakyat palabas bago sila isa-isang nawalan ng malay sanhi ng kanilang pagkalanghap ng gas fumes.

Parehong wala nang buhay sina Dungog at Cagit nang maiahon ng mga rumespondeng tauhan ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) mula sa loob ng naturang fuel storage tank na nakabaon sa lupa.

Kaugnay nito, nanawagan ang mga barangay officials sa Curuan kay Zamboanga City Mayor John Dalipe at sa Department of Labor and Employment (DOLE) na nakabase sa naturang lungsod na pagbayarin ng danyos ang may-ari ng Phoenix Station sa mga pamilya ng dalawang nasawi dulot ng posibleng kapabayaan.

vuukle comment

ZAMBOANGA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with