^

Probinsiya

Pagbabakuna ng baboy vs ASF sa Batangas ’di muna tuloy – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna ng baboy vs ASF sa Batangas �di muna tuloy � DA
Ayon kay DA Spokesman Arnel De Mesa, orientation at pagkuha muna ng blood samples ang mangyayari ngayong Martes, August 20.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na hindi muna matutuloy ang aktuwal na pagbabakuna kontra African Swine Fever (ASF) sa mga baboy sa Batangas kahit dumating na ang mga bakuna sa bansa.

Ayon kay DA Spokesman Arnel De Mesa, orientation at pagkuha muna ng blood samples ang mangyayari ngayong Martes, August 20.

Anya, matatagalan ang pagkuha ng resulta sa blood testing ng 20 hanggang 48 oras para malaman kung positibo o hindi ang mga baboy sa ASF kaya wala munang mangyayaring aktuwal na pagbabakuna sa mga baboy.

Sinabi ni De Mesa na mahalaga na matiyak na walang ASF ang mga mababakunahan na baboy upang makita ang efficiency ng bakuna.

Iaanunsyo na lamang anya ng DA kung kailan isasagawa ang aktuwal na pagbabakuna ng DA sa mga baboy.

Sinabi ni de Mesa na nasa bansa na ang 10 libong dosage ng bakuna kontra ASF.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with