^

Probinsiya

MILF platoon leader, 4 pa huli sa shabu

John Unson - Pilipino Star Ngayon
MILF platoon leader, 4 pa huli sa shabu
Nasa kustodya na ng PDEA-BARMM ang sinasabing MILF platoon lea­der na si Dido Akad Lampay makaraang makumpiskahan ng mga baril at higit P.5-milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Datu Piang, Maguin­danao del Sur nitong Sabado.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Arestado ang isang Moro front platoon leader at apat na iba pa sa magkasunod na buy-bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Datu Piang, Maguindanao del Sur, umaga ng Sabado na nagresulta sa pagkakumpiska mula sa kanila ng mahigit P1 milyon na halaga ng shabu.

SA ulat nitong Sabado ng hapon ni Gil Cesario Castro, director ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), unang nalambat ang apat na drug den operators na nakilala lang sa mga pangalang Dido, Jojo, Anton at Jerry, matapos na mabilhan ng mga PDEA-BARMM agents ng P516,800 na halaga ng shabu sa Barangay Ambadao, Datu Piang.

Agad na isinara ng mga magkasanib na puwersa ng PDEA-BARMM, National Bureau of Investigation, mga pulis at mga sundalong mula sa ibat-ibang unit ng 6th Infantry Division ang drug den ng apat na suspek na dinarayo ng mga residente.

Makalipas ang isang oras, isang platoon leader naman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Dido Akad Lampay, ang agad na na-detine matapos magbenta ng P510,000 na halaga ng shabu sa mga PDEA-BARMM agents at mga pulis na nagkunwaring mga sugapa sa illegal na droga sa isang buy-bust operation sa Barangay Montay ng naturang bayan.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with