^

Probinsiya

Kelot pinasok sa computer shop, ulo pinasabog!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kelot pinasok sa computer shop, ulo pinasabog!
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Rey Blanco Mahinay, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar .
STAR/File

CAVITE, Philippines — Binaril sa ulo na agad ikinamatay ng isang lalaki habang nasa loob ng isang computer shop sa Brgy. Zapote 3, Bacoor City kahapon ng madaling araw..

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Rey Blanco Mahinay, nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar .

Tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril na kinilala sa alyas na “Tolits”.

Sa ulat ng pulisya , alas-3:20 ng madaling araw ng maganap ang insidente, kasalukuyang na loob ng isang computer shop ang biktima nang biglang dumating ang suspek.

Nagdire-diretso umano agad ang suspek sa kinauupuan ng biktima na abala sa pagko-computer saka malapitang binaril sa ulo. 

Matapos ang brutal na pagpatay sa biktima, mabilis na naglakad palabas ng net shop ang suspek at tuluyang tumakas.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng motibo sa naganap na insidenta kasabay ang pagtugis sa suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with