^

Probinsiya

Rider pumalag sa ‘Oplan Sita’ todas sa shootout sa Rizal

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider nang mauwi umano sa palitan ng putok ang isinagawang “Oplan Sita” ng mga tauhan ng Taytay Municipal Station, sa Barangay Sta.Ana, Taytay, Rizal, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Joseph” na idineklarang dead-on-arrival sa Taytay Emergency Hospital. Sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw ng Agosto 17 nang maganap ang insidente sa Block 14, Purok 4, Lupang Arenda Brgy. Sta Ana, Taytay, Rizal.

Sa inisyal na ulat, habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga ope­ratiba kasama ang mga barangay tanod sa lugar nang mamataan si Joseph.

Nang matapat umano si Joseph sa mga pulis ay bigla na lamang pinaharurot ang motorsiklo nang kanilang parahin.

Nauwi sa habulan hanggang sa bumunot umano ng baril si Joseph at ilang ulit na nagpaputok sa direksyon ng mga humahabol na pulis.

Gumanti umano ng mga putok ang mga pulis dahilan upang tamaan sa katawan si Joseph na agad dinala sa nasabing pagamutan subalit idineklarang patay ng sumuring doktor.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with