^

Probinsiya

‘Rido’ ng MILF commanders tinuldukan, mga armas isinuko

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkasundo na ang dalawang magkalabang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Palimbang, Sultan Kudarat na tuldukan na ang kanilang madugong agawan ng teritoryo na labis na nagpahirap sa mga inosenteng residente na naiipit sa kanilang mga engkwentro.

Iniulat nitong Sabado ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, nagkaisa ang mga pinuno ng magkalabang grupo na sina Esmael Binago at Abu Abdullah, na wakasan na ang kanilang “rido” o labanan ng mga angkan, sa pakiusap nina Palimbang Mayor Joenime Badrudin Kapina at  Brig. Gen. Michael Santos ng 603rd Infantry Brigade sa isang dayalogo nitong Huwebes na dinaluhan ng mga kinatawan ng joint MILF-government ceasefire committee.

Sakop ng 603nd Infantry Brigade na pinamumunuan ni Santos, ang Palimbang at ilan pang mga kalapit na bayan sa Sultan Kudarat.

Si Binago ay pinuno ng 13th Biwang Brigade ng MILF habang si Abdullah ay isa sa mga kumander ng 104th Base Command ng MILF na may peace agreement sa pamahalaan.

Upang ipakita na sila ay tapat sa pakikipagkasundo sa isat-isa, isinuko sa 603rd Infantry Brigade ng mga grupo nila Binago at Abu ang kanilang mga malalakas na armas na kinabibilangan ng 36 assault rifles at bolt-action Barrett sniper rifles, isang 5.56 Ultimax rifle, 9 na B-40 anti-tank rocket launchers at isang 60 millimeter mortar bago nangako sa kanilang mayor at Army officials na hindi na muling maglalaban pa. 

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with