^

Probinsiya

3 ex-PMA cadets ‘guilty’ sa murder, hazing!

Doris Franche-Borja, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
3 ex-PMA cadets �guilty� sa murder, hazing!
Ang mga dating PMA cadets na sina Shalimar Imperial Jr., Felix Lumbag Jr., at Julius Carlo Tadena habang inieskortan ng mga pulis sa loob ng korte sa Baguio City kahapon matapos mahatulang “guilty” sa pagkamatay ni Cdt Darwin Dormitorio noong Setyembre 2019.
Kuha ni Andy G. Zapata)

Sa pagkamatay ni Cdt Darwin Dormitorio

MANILA, Philippines — Tatlong dating kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang hinatulan ng “guilty” ng Baguio City Regional Trial Court Branch 5 dahil sa pagkamatay ng kapwa kadete na si Darwin Dormitorio noong Setyembre, 2019.

Sa inilabas na desisyon ni Judge Ligaya Itliong-Rivera, napatunayang “guilty beyond reasonable doubt” sa kasong murder at ha­zing sina dating PMA 3rd Class Shalimar Imperial Jr., Felix Lumbag Jr., at Julius Carlo Tadena at hinatulan sila ng “reclusion perpetua” o hanggang 40-taong pagkabilanggo.

Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad ng korte sina Imperial at Lumbag ng P185,000 bilang danyos habang P2-milyon kay Tadena.

Una nang hinatulan ng Municipal Trial Court for Cities Branch 1 sa Baguio si Tadena sa kasong lesser physical injuries at si Cadet 2nd Class Christian Zacarias sa slight physical injuries noong 2023.

Magugunita na namatay noong Setyembre 18, 2019 si Dormitorio, 20-anyos, tubong Cagayan de Oro at miyembro ng PMA Madasigon Class of 2023, dahil sa tinamong malubhang pinsala sa iba’ t ibang bahagi ng katawan na isinagawa ng kanyang mga upper classmen.

Si Dormitorio ay namatay sa loob ng barracks ng mga kadete sa PMA sa Fort del Pilar, matapos na matagpuang walang malay sa isang silid ng PMA’s Mayo Hall.

Lumalabas na pinaggugulpi si Dormitorio matapos umanong mawala nito ang pares ng bota (boots) ng isang senior cadet.

Lumabas sa autopsy report na namatay si Dormitorio dahil sa matinding palo o blunt force trauma at base sa mga imbestigasyon, nabiktima siya ng hazing at iba pang pagmamaltrato sa loob ng PMA.

“All the hard work and sacrifices after 5 years were all worth it.” We dedicate the (victory) to Darwin and his father, retired Col. William Dormitorio, who has died before the release of the decision,” ayon naman sa legal counsel ng pamilya-Dormitorio na si Atty. Jose Adrian Bonifacio kasunod ng nasabing hatol ng korte.

“I pray that Darwin and his father will finally have peace,” dagdag nito.

vuukle comment

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with