^

Probinsiya

13 NPA sumuko sa South Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon
13 NPA sumuko sa South Cotabato
Sa ulat nitong Biyernes ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, sumuko ang grupo sa pakiusap ng mga barangay leaders sa Tupi ni Lt. Col. Danny Magaso ng 5th Special Forces Battalion na naka-base sa naturang bayan at ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr.
Philstar.com, file

MANILA, Philippines — Karagdagang 13 na miyembro ng grupong New People’s Army (NPA) sa bayan ng Tupi sa South Cotabato, na konektado sa teroristang grupong Ansar Khilafa, ang nanumpa ng katapatan sa pamahalaan kasunod ng kanilang pagsuko nitong Huwebes.

Sa ulat nitong Biyernes ni Major Gen. Antonio Nafarrete, commander ng 6th Infantry Division, sumuko ang grupo sa pakiusap ng mga barangay leaders sa Tupi ni Lt. Col. Danny Magaso ng 5th Special Forces Battalion na naka-base sa naturang bayan at ni South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo, Jr.

Umamin sa mga reporter ang 13 na dating NPA na naging kaalyado sila ng ilang mga leader ng Ansar Khilafa, isang grupong sakop ng Dawlah Islamiya na kilala sa pagpapalaganap ng galit sa mga hindi Muslim at itinuturong responsable sa mga serye ng pambobomba, nitong nakalipas na limang taon, ng mga sasakyang pampubliko at mga establisyementong tumangging magbigay ng pera ang mga may-ari.

Nangako ang 13 na sumuko kay Tamayo na tutulong sila sa paghikayat sa kanilang mga konti na lang na mga nala­labing mga kasamang nagtatago sa mga liblib na lugar sa pro­binsya na magbagong buhay na sa pamamagitan ng magkatuwang na recon­ciliation program ng 6th ID at ng tanggapan ng gobenador.

Abot na sa 319 mi­yembro ng NPA at 39 na mga kasapi ng Ansar Khi­lafa ang sumuko sa iba’t ibang units ng 6th ID sa mga magkalapit na mga pro­binsya ng South Cotabato at Sarangani mula 2022.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with