^

Probinsiya

Pick-up sinalpok ang 2 sasakyan: 5 todas

Pilipino Star Ngayon
Pick-up sinalpok ang 2 sasakyan: 5 todas
Sa naantalang ulat, sinabing nangyari ang trahediya sa national highway sa bahagi ng Barangay Basiawan sa bayan ng Sta. Maria.
STAR/File

MANILA, Philippines — Lima ang naiulat na nasawi kabilang ang dalawang babae nang salpukin ng isang pickup truck ang isang motorsiklo at isang mini-dump truck sa Davao Occidental noong Miyerkules ng hapon.

Sa naantalang ulat, sinabing nangyari ang trahediya sa national highway sa bahagi ng Barangay Basiawan sa bayan ng Sta. Maria.

Sa imbestigasyon ng pulisya, mabilis umano ang takbo ng pickup truck hanggang sa mabangga nito sa pakurbang bahagi ng daan ang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang babae, at ang mini-dump truck na sinasakyan ng tatlo pang nasawi.

Sugatan din ang driver ng pickup truck na naka-hospital arrest.Sinampahan siya ng mga reklamong reckless imprudence resul­ting in multiple homicide and damage to properties.

“Itong si driver ng pickup [truck] is birthday niya noong araw na ‘yon, so lasing na lasing ‘yung suspek. Approaching kurbada, parang nakatulog yata ‘yung driver, ‘yung estimate natin na speed is nasa 120Kph pataas,” ayon kay Police Major Ian Marc Polestico hepe ng Sta Maria MPS.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with