^

Probinsiya

Mangingisda tinarakan ng kainuman, todas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mangingisda tinarakan ng kainuman, todas
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

CAWAYAN, Masbate, Philippines — Patay ang isang mangingisda matapos na pagsasaksakin ng kanyang kainuman makaraang magtalo at magkasuntukan sa Purok-6, Brgy.Dalepi, ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Agarang nasawi dahil sa malalim na saksak sa dibdib at ilang bahagi ng katawan ang biktima na kinilalang si “Lito”, 27-anyos habang ares­tado naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na si “Romy”, 34-anyos, kapwa mangi­ngisda at residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong alas-2:00 ng hapon nag-iinuman ang dalawa kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo hanggang magkasuntukan. Gayunman, makaraang magsapakan ay umuwi ang suspek at nang bumalik ay armado na ng patalim at agad pinagsasaksak ang biktima na duguang humandusay. Sinubukan pang isugod ito sa pagamutan ng bayan pero hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with