^

Probinsiya

P14 milyong halagang alahas sa magkatabing jewelry store nilooban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa P14 milyon na halaga ng mga alahas ang natangay ng mga kawatan na sumalakay sa magkatabing jewelry shops sa Cebu City nitong Huwebes bago magtanghali.

Sa ulat ng pulisya, sinabi ng isang kawani sa niloobang tindahan na malapit sa Carbon Public Market na tatlong suspek ang pumasok at may nagsilbing lookout.

Sa kuha ng CCTV camera, makikita na armado ng mga baril ang mga suspek na winasak ang mga eskaparate na pinaglalagyan ng mga alahas na kanilang tina­ngay.

Pinadapa rin nila ang mga kawani at kostumer ng mga tindahan.Wala na ang mga salarin nang dumating ang mga rumespondeng pulis.

Sinabi ni Police Colonel Antonietto Cañete, Cebu City Police Office chief, na natukoy na nila ang pagkakakilanlan ng isa sa mga suspek.

“Initially may nakitang dalawa na nasa labas, dalawa ang pumasok, may na-identify kami na isa,” ayon sa opisyal.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with