^

Probinsiya

Consultant ng convenience store nabiktima ng ‘karnap’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Natangay ng ‘di nakilalang karnaper ang motorsiklo ng isang production consultant ng kilalang convenience store matapos niyang ihimpil sa parking lot ng nasabing establisim­yento, kamakalawa sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias City.

Sa ulat ng pulisya , alas 6 ng gabi ng madiskubre ng biktimang si Leo Venancio Trayco Ano­nuevo, 27-anyos, residente ng Brgy. San Francisco, Gen. Trias City, Cavite na wala na ang kaniyang itim na Honda XM125, blackna may plate number 5364NP sa parking lot kung saan niya ito iniwan.

Sa salaysay ng biktima. Alas-8:30 ng umaga nang iwan nito ang kaniyang motorsiklo sa nasabing parking lot at pumasok sa Walter Mart.

Ayon pa rito, araw-araw naman umano niya itong ginagawa sa tuwing papasok sa kaniyang trabaho pero laking gulat niya nang paglabas nito galing sa trabaho ay wala na sa nsabing lugar ang kanyang motorsiklo.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with