^

Probinsiya

2 senglot na rider nagsalpukan, kapwa dedo

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Agad na pumanaw ang dalawang parehong lasing na rider sanhi ng salpukan ng kanilang mga motorsiklo sa Crossing Marbel ng Barangay Mateo sa Kidapawan City bandang hapon nitong Linggo.

 Sa ulat ng Kidapawan City Police Office (CPO) nitong Martes, agad na namatay sanhi ng naturang aksidente sina Jimboy Tanggaan,44-anyos, at ang 55-anyos na si Roel Cornejo.

 Si Tanggaan ay taga-Magpet, Cotabato na hindi kalayuan sa Kidapawan City habang si Cornejo ay residente ng naturang lungsod. 

Kinumpirma sa mga imbestigador ng Kidapawan CPO, base sa salaysay ng mga kakilala ng mga biktima, na parehong lango sa alak sina Tanggaan at Cornejo nang magkabangaan ang kanilang mga motorsiklong pagewang-gewang at nagkasalubong sa isang bahagi ng highway sa Barangay Mateo sa Kidapawan City, kabisera ng Cotabato province. 

Ayon sa mga imbestigador, walang driver’s license si Tanggaan at parehong hindi nakarehistro sa Land Transportation Office ang mga motorsiklo nila ni Cornejo. 

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with