^

Probinsiya

‘Walang harassment sa kasong murder vs 2 brodkaster sa Masbate’ – media group

Pilipino Star Ngayon

MASBATE CITY, Philippines — Binigyang diin kahapon ng isang media group na lehi­timo at walang kulay pulitika o panggigipit sa kanilang hanay ang pagsasampa ng kasong murder laban sa dalawang media workers ng DyME radio station sa lalawigan ng Masbate.

Sa pahayag ni Ruben Fuentes, pangulo ng Masbate Quad Media Society, Inc. (MQMSI), batay sa impormasyon na isinampa ni Provincial Prosecutor Jeremias Mapula sa Ca­taingan RTC Branch 49 noong Hulyo 2, 2024, ang mga kasong kinakaharap nina Benjamin Gigante alyas “Ka Ben” at Jhay Alfaro alyas “Ka DJ” na aniya’y “renegade member” ng MQMSI, kasama sina Bernie Naraja alyas “Ka Rem” at Reymund Dosdos alyas “Ka RM” ay may kaugnayan sa pagpatay sa isang Ri­chard Bauso noong Abril 6, 2024 sa Brgy. Taverna, Cawayan.

Sa criminal complaint na may docket no. NPS V-12-PEO78-24E-078 ay nakasaad na nakitaan ng “probable cause” ang akusasyon kaya ito ay isinumite ng piskalya sa korte.

Nabatid na ang pagkakadawit ng mga akusadong sina Gigante at Alfaro sa naturang kaso ay dahil sa pinaghihinalaang may koneksyon sila sa armadong komunistang grupo.

Ang mga dahilan umano nito ay ang kanilang pagbabalita at pagbabahagi ng mga pahayag ng kilusan sa social media sa pamamagitan ng isang “Luz Del Mar” na diumano’y kilalang miyembro ng makakaliwang grupo.

Ayon kay Fuentes, walang kinalaman ang pulitika sa Masbate sa naturang kaso ng tinawag niyang “renegade member” ng samahan na kanyang pinamumunuan.

“Linawin ko lang na walang katotohanan ang naunang ulat sa pahayagang nasyunal na “media harassment” ang dahilan ng pagsasampa ng murder case kasi dalawa sa akusado ng nasabing kaso ay mga kilalang supporter ni Gov. Antonio Kho, ang sinasabing pulitiko na nag-udyok sa pamilya ng biktima na maghain ng reklamo,” mariing pahayag ni Fuentes.

Nilinaw pa ni Fuentes na isa siya sa naghain noon ng kaso laban kay Gov. Kho, pero na-dismiss na ng Ombudsman ang mga asunto dahil sa walang pag-sang-ayon ang Commission on Audit sa mga detalye ng kanyang mga bintang, maging sa proseso ng paghain nito ng asunto.

Sa inilabas na statement nitong Hulyo 28, kinondena naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang paghahain ng kasong murder laban sa mga mamamahayag at local na opisyales sa Masbate, at sa pagbansag sa kanila na mga miyembro ng NPA. Ito ay matapos na maiakyat agad sa korte ang kaso na hindi umano dumaan sa “preliminary investigation” kung saan anila ay napagkaitan ang mga respondents ng “due process”.

vuukle comment

MQMSI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with