^

Probinsiya

6 miyembro ng pamilya, nilamon ng lupa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Himalang nakaligtas

MANILA, Philippines — Anim na miyembro ng isang pamilya ang nasugatan matapos ma-trap sa loob ng kanilang nawasak na bahay sa nangyaring landslide sa Sitio Simona, Brgy. San Isidro, Taytay, Rizal,kamakalawa.

Ayon sa Taytay MDRRMO, nasa loob ng kanilang bahay ang magkakapamilya na binubuo ng mag-asawa at apat na mga tinedyer na anak nang gumuho ang mataas na bahagi ng lupa sa likuran ng kanilang bahay dakong, alas-3:45 ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Marlon Tiburcio, 45; kanyang asawang si Mylene Tiburcio, 37, at kanilang mga anak na sina Yamchie, 17; Jamaica, 16; Shanaya, 11; at Ashley, 10; pawang residente ng Sitio Simona, Brgy. San Isidro,Taytay na pawang naka-confine sa Rizal Provincial Hospital System.

Ayon sa MDRRMO, lumambot ang lupa dahil sa walang tigil na pag-ulan na naging sanhi ng pagguho nito.

Nagtamo ng mga pinsala ang mga biktima at matapos ma-rescue ng magkakatulong na mga rescuer ng MDRRMO, PNP at BFP agad isinugod ang mga ito sa Rizal Provincial Hospital System at nilalapatan pa ngayon ng lunas.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with