^

Probinsiya

Dayo arestado sa P6.8 milyong droga

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Dayo arestado sa P6.8 milyong droga
Kinumpirma kahapon ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaaresto ng mula sa malayong bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur na si Morsalon Bual Tantong, 30, sa isang entrapment operation sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

COTABATO CITY, Philippines — Isa na namang taga malayong probinsya na dealer ng shabu ang naaresto sa Maguindanao del Norte nitong Martes,at nakunan ng P6.8 milyon halaga ng droga ng mga operatibang nagpanggap na mga sugapa sa illegal na droga.

Kinumpirma kahapon ni Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, ang pagkaaresto ng mula sa malayong bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur na si Morsalon Bual Tantong, 30, sa isang entrapment operation sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Ayon kay Tanggawohn, una sanang isasagawa ang naturang operasyon sa Barangay Salimbao sa Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte ng municipal police na pinamumunuan ni Lt. Col. Esmael Madin, ngunit nailipat sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat sa kahilingan ng naarestong suspect.

Pang-pito na si Tantong sa mga shabu dealers na mula sa Sarangani, South Cotabato at Zamboanga del Sur, sa Zamboanga City, Pagadian City at General Santos City na nalam­bat sa mga serye ng mga hiwalay na entrapment operations ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na walong buwan sa Maguindanao del Norte at Cotabato City na parehong sakop ng Bangsamoro region

vuukle comment

MAGUINDANAO DEL NORTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with