^

Probinsiya

Biyudo todas sa away lupa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 69-anyos na biyudo nang siya ay barilin ng isang hog raiser dahil sa awayan sa lupa sa Rodriguez, Rizal, kamakalawa.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si alyas ‘Rodrigo’, 69, magsasaka dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan habang nagawang makatakbo at makahingi ng tulong ang ikalawang biktima na si alyas ‘Melissa’, 50, kapwa residente ng Brgy. San Jose, Rodriguez.

Nakatakas naman ang suspek na kinilala sa alyas na ‘Joel,’ 46, hog raiser, at residente ng Sub Urban Phase 1B, Brgy. San Jose,Rodriguez.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, bago naganap ang krimen, alas-8:30 ng umaga sa loob ng pinag-aagawang lupain ng suspek at mga biktima sa Kalabinti St., Palayan Bukid, Brgy. San Jose ay nagharap ang una at Melissa sa barangay noong Hulyo 22, kaugnay ng pinag-aawayan nilang lupain ngunit bigo ang mga barangay officials na pagkasunduin.

Dakong alas-7:30 ng umaga naman nitong Miyerkules ay nagtu­ngo ang mga biktima sa pinag-aawayang lupain, at inalis ang gate na inila­gay doon ng suspek at puwersahang pumasok.

Gayunman, habang naglilinis ang mga biktima sa naturang lupain, dumating ang suspek na nagagalit sa kanilang ginawa.

Nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng mga biktima at suspek, na kumuha pa ng video sa ginawa ng mga biktima.

Maya-maya ay umalis ang suspek ngunit pagbalik ay armado na ng baril at pinaputukan si ‘Rodrigo,’ na kasalukuyan naglilinis at tinangka ring barilin si ‘Melissa’ ngunit pumalya ang baril.

Humingi ng tulong si ‘Melissa’ sa mga tao sa lugar kaya’t tumakas ang suspek patungo sa direksiyon ng Kasiglahan Village at pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad.

vuukle comment

RIZAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with