^

Probinsiya

Chinese national inaresto sa pagkulong sa babaeng kalahi

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Chinese national inaresto sa pagkulong sa babaeng kalahi
Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alias Hu, Chinese national at pansamantalang nangungupahan sa Punta Aldea Subdivision.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang Chinese national na umano ay nagkulong sa isang babae na kanyang kababayan ang inaresto sa inuupahan nitong bahay sa Barangay Punta, Calamba City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alias Hu, Chinese national at pansamantalang nangungupahan sa Punta Aldea Subdivision.

Si Hu ay inaresto ng Calamba police operatives sa isang follow-up operation matapos na siya ay kilalanin ng biktima na si Li, Chinese na nagturo sa mga otoridad kung saan siya eksaktong ikinulong nito.

Ipinagharap si Hu ng kasong Serious Illegal Detention and Kidnapping sa City Prosecutor Office.

Ang pangingidnap ay inireport ng isang Jovan Magayon Castillo, security­ guard­ ng subdivision noong Lunes ng alas-7:15 nang siya ay kausapin ni Li at may gustong sabihin na hindi naman niya maunawaan.

Nang gumamit si Castillo ng Google translator upang maintindihan ang biktima na nagsabi na siya ay puwersahang dinukot ni Hu at dinala sa inuupahan nitong bahay kaya’t agad nitong inireport sa pulisya.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with