^

Probinsiya

Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity’

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Maguindanao del Sur isinailalim sa state of calamity�
Abot na halos sa bubong ang tubig-baha sa Pagalungan, Maguindanao del Sur dahil sa walang tigil na pag-ulan. Nasa 17 bayan sa lalawigan ang apektado sa pagbaha kaya nagdeklara na sila ng state of calamity, kahapon.
John Unson

Sa pagtama ng baha sa 17 bayan

COTABATO CITY, Philippines — Ipinasailalim sa “state of calamity” ng Sangguniang Panlalawigan ng Maguin­danao del Sur ang natu­rang probinsya nitong Martes kasunod ng matinding pagbaha sa 17 na bayan nito dulot ng paulit-ulit na ulan nitong nakalipas na mga araw.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Miyerkules ng Police Regional Office-Bangsa­moro Autonomous Region, ng 6th Infantry Division at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management office, nasa 72,309 na residente ang apektado ng pagbaha sa 17 bayan na sakop ng probinsya.

Ayon ka Amer Jehad Ambolodto, tagapamahala ng Maguindanao del Sur PDRRMO, ang resolusyon ng provincial board na nagdeklara ng state of calamity sa kanilang probinsya ay siyang batayan ng pagpapalabas ng emergency funds ng provincial go­vernment para sa relief operations sa mga lugar na binaha.

Mismong si Maguin­danao del Sur Gov. Ma­riam Mangudadatu ang nagmo-monitor ng relief operations ng PDRRMO sa mga binahang bayan sa probinsya, ayon kay Ambolodto.

Ang 17 na bayan sa Maguindanao del Sur na binaha ay hindi kalayuan sa 220,000-ektaryang Ligawasan Delta na bagsakan ng mga tubig-baha na dumadaloy sa malalaking mga ilog mula sa mga kabundukan sa mga pro­binsya ng Cotabato, South Cotabato, Sultan Kudarat at Bukidnon.

vuukle comment

MAGUIN­DANAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with